Service-Quality-Score-Landing-Page-Banner

Bossing! Narito lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa Service Quality Score, ang bagong Lalamove Driver app feature.

 

Driver-Account-Service-Quality-Score

 

Ano ang ibig sabihin ng bawat Account Score?

  • Excellent / Satisfying
    Ang score na ito ay nangangahulugang ang Partner Driver ay may mahusay na performance at mas maganda o malaki ang chances na makakuha ng orders.
  • Good / Good
    Ibig sabihin nito ay mayroong magandang history ng order completion ang Partner Driver. Pwede pang ma-improve ito sa pagkumpleto ng delivery nang hindi nagka-cancel ng orders at nang naaayon sa Lalamove Community Guidelines.
  • Fair / Regular
    Ibig sabihin nito ay active ang Partner Driver sa pag-take ng orders pero ang ilan sa mga ito ay hindi naaayon sa Lalamove Community Guidelines. Pwede pang mapataas ang score na ito sa patuloy na pagsunod sa Lalamove Code of Ethics at sa pagkuha ng 5-star rating sa completed orders.
  • Poor / Disappointing
    Ang mababang rating na ito ay dahil sa ilang orders kung saan na-violate ng Partner Driver ang Lalamove Code of Conduct. Iwasan ang mga violations at order cancellations at siguruhing pataasin ang order pick-ups para mag-improve ang score at hindi ma-suspend o ma-ban ang iyong account.

 

Frequently Asked Questions

img-about-us
Ano ang Driver Service Quality Score?

Para itong Partner Driver rating in compliance sa Community of Guidelines ng Lalamove. Sa paraang ito, mas masisiguro ang secure at mas patas na platform ng Lalamove para sa lahat, user man o driver.

Anu-ano ang mga Service Quality Scores?

Ang iyong Service Quality Score bilang Lalamove partner driver ang magiging basehan ng iyong compliance sa ating Community Guidelines. Tandaan na ang mababang Service Quality Score ay maaaring makaapekto sa iyong experience sa ating Driver App,

Ano ang pinagkaiba ng Driver Service Quality Score sa Driver Rating?

Ang Service Quality Score ay ang kabuuan ng iyong compliance sa ating Community Guidelines bilang Lalamove partner driver.

Ang Rating naman ay ang summary ng user satisfaction ratings base sa experience nila sa iyong delivery service.

Ano ang mangyayari kapag mababa ang aking Service Quality Score?
Maaaring makaapekto ito sa mga orders na maiaassign sa'yo sa Lalamove Driver app.
Paano ko mai-improve ang aking Service Quality Score?

Maaaring mag-improve ang iyong Service Quality Score sa pamamagitan ng pag-complete ng mas maraming orders habang nagco-comply sa ating Community Guidelines. 

Ano ang mangyayari kung ang Driver account ko ay suspended o blocked?

Kung ang account mo ay suspended o blocked, malilimitahan ang iyong access sa iyong Driver account, gaya ng restrictions sa pagtanggap ng orders at sa pag-withdraw ng funds. 

Ang access mo sa feature na ito ay maaaring bumalik kapag nakumpleto mo na ang suspension period na nakalagay sa iyong Driver app.

Kung banned naman ang iyong account, maaaring permanenteng mawalan ka ng access sa feature na ito.

Pwede ko bang i-review ang Service Quality Score ko na negative ang rating?

Maaari kang mag-request sa pamamagitan ng pagkumpleto ng form na ito gamit ang iyong Lalamove-registered email address. Kung may evidence o proof na hindi fair ang negative Service Quality Score na natanggap, ire-review rin ito ng Lalamove team sa loob ng siyam (9) business days.